A Destructive Typhoon Calamity Hits Philippines in the Middle of a Pandemic Health Crisis

Grabe ang natamong Pinsala ng mga kabahayan sa bagyong Ambo. Nakipagsabayan umano ang bagyo sa Pandemia krisis na pinagdaanan ng mga Pilipino. I click and link para sa marami pang larawan.


Bagyong Ambo mala-“Typhoon Yolanda Jr.” ayon kay E. Samar Gov. Ben Evardone


Matinding pinsala ang natamo ng mga bayan sa Eastern Samar Province matapos tumama dito ang bagyong Ambo.


Kabilang sa winasak ng Typhoon Ambo sa Eastern Samar ang mga paaralan, gym, simbahan at maraming mga bahay.

Inikutan ni Evardone ang mga bayan ng Dolores, Oras, San Policarpo at Arteche na maituturing aniyang hardest-hit ng bagyo.

Kung pagbabasehan aniya ang mga nawasak na imprastraktura ng Typhoon Ambo ay halos kahalintulad ito ng mga pinsala noon ng Typhoon Yolanda.

Marami ring pananim na niyog, mais, at root crops ang nasira.

Narito ang mga larawan ng pinsala ng bagyo sa Eastern Samar:


Nasa Typhoon category pa ang Ambo ng tumama sa Eastern Samar.

Ayon kay Eastern Samar Governor Ben Ebardone, masasabi niyang mala-‘Typhoon Yolanda Jr’ ang bagyong Ambo.

Nasa 140,000 katao ang napilitang magsilikas matapos salantain ang kanilang mga tahanan, pabagsakin ang mga poste ng kuryente at mga puno.

Nakataas ang Signal number 2 sa Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Apayao, Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Benguet, eastern portion of Pangasinan, Tarlac, Pampanga, Metro Manila, Bulacan, Laguna, Cavite, Batangas, Rizal, Marinduque, northern portion ng Quezon, Polillo Islands, western portion ng Camarines Norte, Nueva Ecija, Nueva Vizcaya, Aurora, Quirino, western portion ng Isabela.

Signal number 1 naman sa Cagayan, Babuyan Islands, Batanes, Zambales, Bataan, nalalabing bahagi ng Pangasinan, nalalabing bahagi ng Isabela, nalalabing bahagi ng Quezon, nalalabing bahagi ng Camarines Norte, west portion ng Camarines Sur at northern portion ng Oriental Mindoro.




Sources:


https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2020/05/16/2014320/ambo-humagupit-libu-libo-inilikas


https://radyo.inquirer.net/244067/bagyong-ambong-mala-typhoon-yolanda-jr-ayon-kay-e-samar-gov-ben-evardone/pinsala-ng-ty-ambo-sa-eastern-samar-11

©2019 by bloggersjournalph. Proudly created with Wix.com