Ilang OFW sa Riyadh sa Saudi Arabia, naghahanap ng makakain sa mga basura

Sa ibang bansa nakikipagsapalaran ang ilan nating kababayan sa pag-asang magkaroon ng magandang kinabukasan ang pamilya. Pero dahil sa umiiral na pandemya, ang ilang OFW sa Riyadh, Saudi Arabia, hirap na at ngayo'y naghahanap na lang ng makakain sa mga basura.

Articles Inside:

Ilang OFW sa Riyadh sa Saudi Arabia, naghahanap ng makakain sa mga basura - www.gmanetwork.com

OFWs sa Riyadh, namumulot ng pagkain mula sa basura dala ng matinding gutom - kami.com.ph

Mga OFW na 'di pinapasahod' ng employer sa Saudi Arabia umaapela ng tulong - news.abs-cbn.com


Ilang OFW sa Riyadh sa Saudi Arabia, naghahanap ng makakain sa mga basura

Click to watch video: https://www.facebook.com/watch/?v=594429738158527


Sa ibang bansa nakikipagsapalaran ang ilan nating kababayan sa pag-asang magkaroon ng magandang kinabukasan ang pamilya. Pero dahil sa umiiral na pandemya, ang ilang OFW sa Riyadh, Saudi Arabia, hirap na at ngayo'y naghahanap na lang ng makakain sa mga basura.

Balikan ang mga balita sa 24 Oras via livestream: Facebook: https://bit.ly/2YwEdUW YouTube: https://youtu.be/LeVAb8qj9Dk

Click to watch video: https://www.facebook.com/watch/?v=594429738158527


Click for more story: https://www.gmanetwork.com/news/video/24oras/534367/ilang-ofw-sa-riyadh-sa-saudi-arabia-naghahanap-ng-makakain-sa-mga-basura/video//


OFWs sa Riyadh, namumulot ng pagkain mula sa basura dala ng matinding gutom

Click to watch video: https://www.facebook.com/100000347851720/videos/3169738103047754/


- Nag-viral ang dalawang OFW sa Riyadh, Saudi Arabia na namumulot na lamang ng makakain mula sa basurahan - Mula nang mag-lockdown sa kanilang lugar noong Marso, isang beses lamang daw sila nabigyan ng ayuda - Hindi rin daw sila nagawang tulungan ng pinapasukang kompanya at kasalukuyan pa rin silang walang hanapbuhay doon - Humihingi sila ng tulong sa pamahalaan ng ating bansa dahil matinding gutom din ang kalaban nila bukod sa COVID-19 PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed! Sapul sa video ang ginagawang pangangalap ng pagkain ng dalawang OFW sa Riyadh, Saudi Arabia. Ayon kay Cristop Gomez na siyang nagbahagi ng video, awang-awa siya sa sinapit ng kanyang kapatid doon kaya naisipan niyang i-post ang totoong kalagayan nito sa Riyadh.


Mula nang mag-lockdown sa Saudi Arabia noong Marso bilang pag-iingat din sa pagkalat ng COVID-19, isang beses lamang nakatanggap ng ayuda ang kapatid ni Cristop at ang mga kasama rin nitong OFW. PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback Wala rin umano silang tulong na natanggap sa pinapasukang trabahao kaya naman gutom ang inaabot nila araw-araw. Ito ang nag-udyok sa kanila upang mangalap na lamang ng makakain sa basurahan may mailaman lamang daw sa kumakalam nilang mga sikmura. Hanggang ngayon, wala pa ring kasiguraduhan kung makababalik pa sila sa kani-kanilang mga trabaho bunsod pa rin ng krisis dala ng pandemya. Humihingi na rin ng tulong ang mga OFW na ito sa ating pamahalaan sa hirap ng kalagayan ng kanilang kinahaharap dahil hindi lamang COVID-19 ang pinoproblema nila sa ngayon kundi ang matinding gutom. PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news! Narito ang kabuuan ng video: Read more:https://kami.com.ph/114231-2-ofw-sa-riyadh-namumulot-ng-pagkain-mula-sa-basura-dala-ng-matinding-gutom.html


Click to watch video: https://www.facebook.com/100000347851720/videos/3169738103047754/


Read more:https://kami.com.ph/114231-2-ofw-sa-riyadh-namumulot-ng-pagkain-mula-sa-basura-dala-ng-matinding-gutom.html


Mga OFW na 'di pinapasahod' ng employer sa Saudi Arabia umaapela ng tulong

Watch Video here: https://news.abs-cbn.com/news/05/20/20/mga-ofw-na-di-pinapasahod-ng-employer-sa-saudi-arabia-umaapela-ng-tulong


Umaapela ngayon ang 32 OFW na trabahador ng isang food and beverage company sa Riyadh, Saudi Arabia ng tulong matapos umano silang hindi pasahurin nang 2 buwan ng kanilang employer.


Ayon kay Richard Leo Amburgo, magmula noong Marso ay hindi na sila binabayaran ng sahod ng kanilang employer. Binubuo ang grupo ng mga cashier, barista, at mga waiter. 

Katuwiran umano ng employer, apektado ang kanilang negosyo ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic kaya hindi na muna sila pinapasahod - kaya minabuti ng mga apektadong OFW na huwag nang pumasok sa trabaho dahil hindi umano sila pinapasahod.

"Sa kabila ng malaki pong benta ng kompanya ay hindi pa rin po naibibigay sa amin 'yong karapatan po namin... Bukas po siya delivery po 'yong service po niya pero pili lang ang pumapasok pero kasi kami po, hindi na kami pumapasok kasi magmula noong Marso hindi na po binibigay sa amin ang karaptan na para po sa amin na dapat," ani Amburgo sa "Lingkod Kapamilya" ng Teleradyo. 

"Yung masakit sa looban ang dami naming tanong sa kanila hindi po kami maisagot... Ang tanging katuwiran po nila ay dahil daw po sa COVID-19 pero hindi po nila masagot yung mismong concern namin is bakit hindi nila maibigay nang maayos ang aming karapatan," ani Amburgo.

Bukod pa rito, ayon sa grupo nina Amburgo, sinubukan na umano nilang lumapit sa Philippine Overseas Labor Office (POLO) ng Riyadh, pero wala pa silang naririnig umano na solusyon tungkol sa kanilang problema. 

Pangamba nila na kapag magtagal pa ang problemang ito ay maaapektuhan na rin ang mga pamilyang sinusustentuhan nila. 

Ayon sa kasamahan ni Amburgo na si Neil, may ilan pa umano silang mga kasamahan na tinanggal sa trabaho na walang natatanggap na tulong mula sa gobyerno. 

Kabilang na aniya rito ang isa nilang kababayan na may COVID-19 na hindi umano tinatanggap ng ospital dahil tinanggal na sa trabaho at hindi na napagkakalooban ng mga benepisyo. 

Pangamba pa ng grupo ni Amburgo na maalis sila sa kanilang accomondation. 

"Ilang beses na sila lumapit sa POLO wala pa rin kaming naririnig sa employer which is nangangamba kami hmihingi ng tulong sa OWWA tinatakot kami na baka alisin kami sa accomodation," ayon kay Neil. 

At dahil sa nangyari, aniya, mas gusto na anila nilang umuwi ng Pilipinas ngayong hindi sila pinapasahod ng kanilang employer. 

Ayon kay Jay Teves, officer-in-charge ng Advocacy and Social Marketing Division ng OWWA, direkta na silang nakipag-ugnayan sa POLO para bigyang-pansin ang umano'y ginawa ng employer ng grupo nina Amburgo. 

"Ang initial na magiging action ay i-call ang attention ng employer sa pamimigay ng karampatang suweldo," ani Teves.

Tiniyak naman ni Teves na sisiguruhin nila na matututukan ng POLO ang sitwasyon nina Amburgo. 

"Once na ma-call ng POLO ang attention ang [ibig sabihin] aware ang Philippine Government sa sitwasyon niyo kung sino mang welfare officer gagamitin ng ahensiya iyon," ani Teves kay Amburgo. 


Source: https://news.abs-cbn.com/news/05/20/20/mga-ofw-na-di-pinapasahod-ng-employer-sa-saudi-arabia-umaapela-ng-tulong


©2019 by bloggersjournalph. Proudly created with Wix.com