OFWs:Nagbenta ng Dugo para panggastos; Nahawa ng Covid sa Amo;Namatay mag isa,inilibing sa Disyerto


Articles Inside:

Ilang OFW sa Saudi Arabia, nagbenta ng sariling dugo para may panggastos - www.gmanetwork.com

Ilang stranded OFWs, nagbebenta ng dugo para may maipadala sa pamilya - news.abs-cbn.com

3 OFW sa Riyadh, Saudi Arabia na nahawa umano ng COVID-19 sa kanilang amo at sa bodega lang tumutuloy, nagpasaklolo - www.gmanetwork.com

3 Pinay OFW sa Riyadh na positibo sa COVID-19, binantaang ibebenta pa ng kanilang amo - kami.com.ph

OFWs are among the migrants who die alone in the Middle East because of the coronavirus

No last goodbye for Gulf migrant workers lost to pandemic


Ilang OFW sa Saudi Arabia, nagbenta ng sariling dugo para may panggastos

Click to watch video:

https://www.gmanetwork.com/news/video/saksi/534961/ilang-ofw-sa-saudi-arabia-nagbenta-ng-sariling-dugo-para-may-panggastos/video/


Ilang stranded OFWs, nagbebenta ng dugo para may maipadala sa pamilya

JEDDAH, Saudi Arabia – Mahigit 200 stranded overseas Filipino workers (OFW) ng isang kompaniya ang humihingi ng tulong sa gobyerno para sa agarang pagpapauwi sa kanila sa Pilipinas.

Nag-aalala na sila sa kanilang pamilya dahil nagkaka-problema na ang proyekto ng pinapasukang kompanya at halos anim na buwan na silang walang sahod.


"Kaya naming tiisin kung anong paghihirap dito, pero 'yung pamilya namin sa ‘Pinas, doon kami medyo nanghihina,” sabi ng isang stranded OFW.

Wala na nga umanong sahod, hindi pa malinaw kung kailan sila makakauwi sa Pilipinas.

Ang iba umano sa kanila ay nagbebenta na ng sariling dugo pantustos sa kanilang pang araw-araw na pangangailangan at para may maipadala sa Pilipinas.

Bakas pa sa mga braso ng halos 20 stranded OFWs ang marka ng karayom mula nang sila ay magbenta ng dugo.

Nasa 300 hanggang 400 Saudi riyals o P4,000 hanggang P5,000 ang kinikita nila sa bawat benta ng dugo. 

“Para po makapagpadala sa pamilya namin na nasa Pilipinas, kasi ilang buwan na po kaming hindi nakakasahod,” sabi ng isa sa kanila.

Rumesponde naman ang Philippine Nurses Association Jeddah, Caregivers Association in Jeddah, grupong Amore Familiare at ibang community groups at nagbigay ng free medical mission at feeding program sa mga stranded OFW.

Pati ang ibang lahi, binigyan din ng tulong ng mga Pilipinong manggagawa.

“It's a humanitarian thing, and everybody should participate. We should not hesitate because everybody could be in this situation. So we are giving away free budget meal for everybody and we will do it whenever there is a chance,” sabi ng isang may-ari ng restaurant.

Humihiling na ang mga stranded OFW ng aksiyon mula sa konsulado sa Jeddah.

"Sana ay mapabilis ang aming pag-alis dito sa aming kompanya, kasi ho sa kahirapan na nararanasan namin dito," sabi ng isang OFW.

Tiniyak naman ng konsulado na tuloy-tuloy ang pakikipagdayalogo nila sa kompanya. Tinututukan din umano nila ang pang-araw-araw na pangangailangan ng mga OFW.

“We are consistently following-up with management at idine-demand sa kanila na pauwiin 'yung mga OFWs natin kaagad-agad," sabi ni Welfare Officer James Mendiola.

Ayon sa Overseas Workers Welfare Administration sa Jeddah, sa 279 na manggagawa na nasa kampo, 63 ang may exit clearance at ticket na at nakatakdang umuwi sa susunod na linggo.


Source: https://news.abs-cbn.com/overseas/03/27/18/ilang-stranded-ofws-nagbebenta-ng-dugo-para-may-maipadala-sa-pamilya



3 OFW sa Riyadh, Saudi Arabia na nahawa umano ng COVID-19 sa kanilang amo at sa bodega lang tumutuloy, nagpasaklolo

Click to watch video: https://www.gmanetwork.com/news/video/24oras/534943/3-ofw-sa-riyadh-saudi-arabia-na-nahawa-umano-ng-covid-19-sa-kanilang-amo-at-sa-bodega-lang-tumutuloy-nagpasaklolo/video//


3 Pinay OFW sa Riyadh na positibo sa COVID-19, binantaang ibebenta pa ng kanilang amo

Humingi ng saklolo ang tatlong Pinay OFW sa Riyadh na kumpirmadong positibo sa COVID-19 - Pinaniniwalaang nakuha nila ito sa kanilang amo na unang tinamaan ng virus - Kasalukuyan na silang inilayo sa lugar ng amo ngunit binantaan pa sila na ibebenta sila nito - Naidulog na sa OWWA ang kalagayan ng tatlo sa tulong ng programang Unang Hirit

Lakas loob na humingi ng saklolo ang tatlong OFW sa Riyadh na nagpositibo sa COVID-19. Nalaman ng KAMI na nadala silang dalawa sa ospital at doon nakumpirmang positive na sila ng kinatatakutang virus. Sa video na binahagi ng Baliktad89 sa YouTube, mapapansing hirap na sa paghinga ang Pinay na humihingi ng tulong.

Maya't maya na rin ang pag-ubo nila at kita na ang panghihina ng kanilang katawan. Kwento nila, inilayo na sila ng kanilang amo na unang nagkaroon ng COVID-19. Naniniwala silang iyon ang nakahawa sa kanila dahil hindi raw ito maayos na nag-self isolate nang malamang mayroon siyang COVID-19.

Nang malaman pa raw ng amo na may virus na rin ang mga OFW, pilit pa rin silang pinagtatrabaho nito at nagagawa pang saktan. Ang masaklap, binabantaan din silang ibebenta kaya naman nakadagdag pa ito sa hirap na dinaranas dala ng COVID-19. Bukod sa video kung saan humihingi sila ng saklolo, isa pang video ang kumalat kung saan isa sa kanila ay hirap na hirap na sa paghinga. Pinagdarasal na lamang ng dalawa ang kasamang pinahihirapan ng COVID-19 habang pinalalakas nila ang loob nito sa pagsasabing naghihintay ang kanyang mga anak sa Pilipinas. Ito ang pumukaw sa atensyon ng programang Unang Hirit na siyang naging daan upang maidulog na nila ang lagay ng mga OFW sa Overseas Workers Welfare Administration. Ayon kay OWWA Chief, unang hakbang na dapat na gawin ay madala sa ospital ang tatlo upang mabigyan ng atensyong medikal. Hinihintay pa rin umano ng tatlo na sila ay matulungan sa lalong madaling panahon.


Source:https://kami.com.ph/114981-3-pinay-ofw-sa-riyadh-na-positibo-sa-covid-19-binantaang-ibebenta-pa-ng-kanilang-amo.html


OFWs are among the migrants of many who died alone in the Middle East because of the coronavirus

OFWs are among the migrants who die alone in the Middle East because of the coronavirus


Source: https://www.facebook.com/745943527/posts/10157597038368528/


Related Article:


No last goodbye for Gulf migrant workers lost to pandemic

The majority of the 166 deaths and 26,600 registered cases in Gulf countries so far have been foreigners, according to health ministries, most of them from Asian countries like India, Pakistan, Bangladesh, Nepal and the Philippines.


One thing in common

A few hours before the cremation of the Indian man – aged in his 50s and a partner at a tourist company in Dubai – the body of another victim, a 40-year-old Filipino beautician, was also cremated at the facility.


Source: https://www.rappler.com/world/regions/middle-east/258704-no-last-goodbye-gulf-migrant-workers-lost-pandemic



©2019 by bloggersjournalph. Proudly created with Wix.com