Out of Job Jeepney Drivers in PH Now Turn to Begging for Food

Jeepney drivers have been struggling to feed their families as public transportation remains suspended amid the threat of the Pandemic.

The drivers said they did not receive aid. They are currently depending on donations from kind strangers to survive every day.

Out of job jeepney drivers in Manila turn to begging amid ECQ - ph.yahoo.news.com

Ilang jeepney driver, sa mga donasyon na lang umaasa ngayong tigil-pasada sila - gmanetwork.com

With no gov't aid in sight, drivers rely on private donations - msn.com

Pamilya ng Jeepney Driver na pinalayas sa inuupahang bahay sa jeep nanirahan habang lockdown - news.abs-cbn.com

'Wala na pati butaw': Jeepney drivers cry out for financial aid amid pandemic - news.abs-cbn.com

Jeepney drivers nanlilimos na lang habang walang pasada dahil sa lockdown - news.abs-cbn.com

Ayuda?! Wala pa po kaming nakukuhang ayuda. Pero di kami nagagalit.”mamalimus na lang po kami -Jacque Manabat Twitter Post

Drayber, Sa Jeep Nalang Nanirahan Dahil Wala Nang Pambayad Sa Inuupahang Bahay

pinasbalita.org



Out of job jeepney drivers in Manila turn to begging amid ECQ

Jeepney drivers in Manila were seen begging on the streets after losing their livelihood during the implementation of the Enhanced Community Quarantine (ECQ) due to the coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

According to Noeme Bayona, one of the drivers, they are forced to seek help on the street now that the ECQ has been further extended in the National Capital Region (NCR).

Nakakahiya sana manghingi pero tinitiis para may makain (It’s humiliating to beg but we endure it so we can have something to eat), he said.


Full Story: https://ph.news.yahoo.com/amphtml/job-jeepney-drivers-manila-turn-112841390.html


Ilang jeepney driver, sa mga donasyon na lang umaasa ngayong tigil-pasada sila

https://www.gmanetwork.com/news/video/24oras/532630/ilang-jeepney-driver-sa-mga-donasyon-na-lang-umaasa-ngayong-tigil-pasada-sila/video/


With no gov't aid in sight, drivers rely on private donations

Drivers of public utility vehicles have been relying on private donations to survive every day amid the threat of thecoronavirus disease 2019(COVID-19).

"Ang kapitana namin hindi naman ho totally natutulungan ang driver, kinakapos rin ho sila ng budget," said Geronimo Caguntas, one of the drivers. "Kaya ho kami humihingi lang ho kami ng tulong sa kung sino ang magbibigay sa amin."

Public transportation, however, will remain suspended, so drivers have no choice but to find other ways to feed their families.

"Gumagawa na lang po kami ng diskarte kung pano na lang po kami makakuha ng pagkain," said Reynaldo Saldana, another driver.

With the lack of income, one driver could no longer pay rent and his family has been forced to live inside the jeepney. The family of a tricycle driver had to do the same.

To help PUV drivers, netizens put up a Facebook group called "SuperTsuper" to facilitate donations for PUV drivers.


Source: https://www.msn.com/en-ph/news/national/with-no-govt-aid-in-sight-drivers-rely-on-private-donations/ar-BB144Cff


Pamilya ng Jeepney driver na pinalayas sa inuupahang bahay sa jeep nanirahan habang lockdown

Photo Source: https://www.philstar.com/other-sections/news-feature/2020/05/02/2011344/commentary-new-normal-even-governance


Isa't kalahating buwan nang nakatira sa jeep sa Amoranto Ave. sa Quezon City ang pamilyang Coquia. 

Napalayas sila sa inuupahang bahay sa Baseco sa Maynila noong magsimula ang lockdown dahil hindi sila agad nakakapagbayad ng renta. 

Sa minamanehong jeep ng padre-de-pamilya na si Julius nakapirmi ang pamilya ngayon, bitbit ang tatlo sa anim nilang anak kabilang ang 2 anyos na bunso. 

"May mga tao naman na nagbibigay sa amin dito, umaasa na lang kami, kasi minsan meron, minsan wala," ani Julius. 

Ayon kay Julius, may kapatid siya sa Baseco pero wala nang lugar sa kanilang bahay. 

Magdamag na pinapaypayan ng mag-asawang Julius at Erlin ang mga bata. 

Sa umaga, kape at biskwit ang kanilang almusal. 

Aminado rin ang haligi ng pamilya na si Erlin na hindi niya lagi napapainom ng gatas ang mga anak dahil sa kanilang sitwasyon. 

"Sabi namin, matutulog na lang yan kasi nakakain naman na, hindi na namin pinapadede kapag nagigising kasi wala talaga eh," ani Erlin. 

Umasa si Julius na makakabalik-pasada pagdating ng Mayo. Pero dahil pinalawig ang lockdown, tengga nanaman siya at wala siyang kinikita. 

Apat na beses na ring naglakad pabalik ng Baseco si Erlin para makahingi ng ayuda mula sa social amelioration program ng gobyerno. 

Sa kasamaang-palad, wala umano ang kanilang pangalan doon kaya umaasa sila sa kung ano mang tulong ang naihahatid sa kanila ng mga dumaraan na sasakyan. 

"Ineexpect ko na makakasama kami sa DSWD, pero wala yung pangalan namin doon. Sayang yung pagod ko, sayang hirap sa paglalakad," ani Erlin. 


Source: https://news.abs-cbn.com/news/05/01/20/pamilyang-pinalayas-sa-inuupahang-bahay-sa-jeep-nanirahan-habang-lockdown


'Wala na pati butaw': Jeepney drivers cry out for financial aid amid pandemic

Transport group leaders on Thursday called for the immediate release of financial aid for jeepney drivers.


"Isang buwan at kalahati na po kaming walang kita at alam niyo naman kaming mga jeepney driver, isang kahig, isang tuka," Pasang Masda president Obet Martin told DZMM.

Martin said many jeepney drivers have already run out money including those from their "butaw" system.

"Ito po ay kanila nang ginalaw para masuportahan ang pangangailangan ng ating mga tsuper ngunit kinapos pa rin po 'yan," he said.

Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines national president Zeny Maranan said they have repeatedly given the list of their members to various agencies to get financial aid.

"Awa ng Diyos, puro na lang listahan ang hiningi nila sa'min eh wala namang nakarating [na ayuda]," Maranan said.

"Hanggang sa ngayon, tumatawag ako, nakikipag-ugnayan sa LTFRB at sabi nga nila sinasala pa ring mabuti. Sabi ko, sobra naman sa pagsala na 'yan," she added.


Source: https://news.abs-cbn.com/news/04/30/20/wala-na-pati-butaw-jeepney-drivers-cry-out-for-financial-aid-amid-pandemic


Jeepney drivers nanlilimos na lang habang walang pasada dahil sa lockdown

Nitong Martes ay kinumpirma ng gobyernong palalawigin pa ang lockdown ng Luzon hanggang katapusan ng Abril, kaya maraming trabahador ang hindi na malaman kung papaano pa maitatawid ang pang-araw-araw na kabuhayan. 


Isa sa pinakasapul na sektor ng pinalawig pa na enhanced community quarantine ay ang mga tsuper, partikular na ang jeepney drivers. 

Higit 2 dekada nang driver ng jeep si alyas "Paking" pero ngayon lang daw niya naranasan na manghingi ng limos sa mga dumadaan dahil hindi na niya alam paano mairaraos ang araw-araw habang walang pasada. 

"Ayuda? Wala pa po kaming nakukuhang ayuda. Pero di kami nagwawala o nagagalit o ano. Talaga siguro matagal pa dahil madami nang lugar na nagkaganito. Alam naman namin na may proseso pero wala pa," aniya. 

Nasa 200 daw silang driver sa Tandang Sora na nahinto sa pamamasada mula nang ipagbawal ang pagbiyahe ng pampublikong transportasyon.

Naiintindihan daw nila ito dahil para ito sa kaligtasan ng marami pero nahihirapan na raw sila.

Ayon naman sa LTFRB, nakahanda na ang ayuda para sa mga tsuper. 


Source: https://news.abs-cbn.com/news/04/07/20/ilang-jeepney-drivers-nanlilimos-na-lang-habang-walang-pasada-dahil-sa-lockdown


LOOK: Jeepney drivers in Quezon City ask for help from passersby. Paking, a jeepney driver for 20 years, said they stopped work the day #LuzonLockdown was implemented over 3 weeks ago. “Ayuda? Ayuda?! Wala pa po kaming nakukuhang ayuda. Pero di kami nagagalit.”

Source: https://twitter.com/jacquemanabat/status/1247434723321765889



Jeepney drivers affected by the ongoing suspension of public transportation amid the implementation of the enhanced community quarantine, are calling for help and assistance at Tandang Sora Jeepney Terminal in Visayas Avenue, Quezon City.

Source: https://twitter.com/inquirerdotnet/status/1254670859165294592



LOOK: 30 mga jeepney driver na hindi pinapayagang bumyahe at mula pa sa probinsya, nanghihingi ng tulong sa may kanto ng Rizal Avenue at Bulacan Street sa Tondo, Maynila

Source: https://twitter.com/thisjustinne/status/1254989005562605569


Drayber, Sa Jeep Nalang Nanirahan Dahil Wala Nang Pambayad Sa Inuupahang Bahay

Nakakaawa ang lagay ngayon ng isang drayber ng dyip dahil sa tigil-pasada bunsod ng ipinapatupad na enhanced community quarantine. Sa dyip na lamang ito nakatira dahil wala nang pambayad ng upa sa bahay.

Nakakahabag

Sa isang viral post ng GMA Correspondent na si Bernadette Reyes, ibinahagi nito ang kwento ni Mang Jordiolyn. Dahil nga wala nang maipambayad ng renta sa bahay si Mang Jordiolyn ay pinili na lamang nito na pansamantalang manirahan sa isang pampasadang dyip. At dahil wala din naman itong natatanggap na financial assistance mula sa LTFRB sa gitna ng lockdown, apektado din ang pagpapadala nito ng pera sa kanyang misis at walong anak na nasa probinsya.


Full Story: https://pinasbalita.org/drayber-sa-jeep-nalang-nanirahan-dahil-wala-nang-pambayad-sa-inuupahang-bahay/


Sigaw ng jeepney drivers: Wala na kaming makain

Ang mga jeepney drivers ng biyaheng Mercury, Cubao, at Scout Lazcano sa Barangay Paligsahan, Quezon City.

WALA na kaming makain pati na rin ang aming mga pamilya!. Ito ang sigaw ng isang grupo ng mga jeepney drivers na humihingi ng tulong dahil  hindi makabiyahe mula ng ipatupad ang enhanced community quarantine upang labanan ang COVID-19. Ayon sa grupo na dating bumibiyahe ng Mercury Cubao, at Scout Lazcano Barangay Paligsahan sa Quezon City, isang linggo na silang walang hanapbuhay dahil sa full implementation ng ECQ o lockdown. “Kami po ay tiklop tuhod na nakikiusap sa mga kinauukulan tulungan nyo po kami, wala na po kaming makain pati na rin ang aming mga pamilya na umaasa sa amin,” saad ng mga drivers. Ayon pa sa grupo wala silang ibang alam na pagkakakitaan. Nauna rito nanawagan na rin ang ibang transport leaders sa Department of Transportation at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (DOTr-LTFRB) na bigyan sila ng ayuda. Humihingi din ang mga jeepny drivers ng mga facemask bilang panlaban sa COVID-19.


Source: https://journal.com.ph/news/metro/sigaw-ng-jeepney-drivers-wala-na-kaming-makain


Jeepney drivers na na-stranded sa Maynila nanawagan ng tulong

Pangamba ang araw-araw na nararamdaman ng grupo ni Arnel Momog mula nang maipatupad ang enhanced community quarantine sa Metro Manila noong Marso.

Galing Oriental Mindoro ang kanilang grupo, na nakipagsapalaran sa Maynila at namasukan bilang mga tsuper ng jeep na may biyaheng Bacood-Quiapo.


Naparalisa ang paghahanapbuhay ng grupo dahil sa lockdown at kasalukuyan silang tumutuloy sa garahe ng jeep.

Ayon kay Momog, wala na silang panggatos para sa pagkain o kahit pang-load para makausap ang mga mahal sa buhay sa probinsiya.

"Paminsan-minsan nagbibigay ang operator. Walang pera. Mga pagkain lang o ano mang maluluto na puwedeng pagsaluhan," ani Momog sa panayam ng ABS-CBN News.

Kadalasan ay nagtitira pa raw sila ng ulam para masiguradong may makakain kinabukasan.


Source: https://news.abs-cbn.com/news/04/28/20/jeepney-drivers-na-na-stranded-sa-maynila-nanawagan-ng-tulen



©2019 by bloggersjournalph. Proudly created with Wix.com